in

LOLLOL

Ellen Adarna asked about cybercrime, child abuse complaints filed against her in 2018

Fortune favors the prepared mind

Ano na nga ba ang nangyari sa reklamong cybercrime at child abuse na isinampa ng isang teen netizen laban kay Ellen Adarna noong 2018.

Eksaktong dalawang taon ngayong araw, May 4, nangyari ang insidente sa isang ramen restaurant sa Makati City.

Sangkot dito si Ellen, ang live-in partner niya noong si John Lloyd Cruz, ang teen netizen at ang boyfriend nito na nakasabay nila sa restaurant.

Inakusahan ng aktres ang teen netizen na palihim daw silang kinunan ng video habang kumakain sila ni John Lloyd.

Nang mapansin daw ito ni Ellen ay kinuha niya ang kanyang cellphone, at kinunan din ang teen netizen at ang boyfriend nito.

In-upload ni Ellen sa kanyang Instagram Stories ang video na kuha niya.

Kalakip ang caption na ito: “When you PAP us, We PAP you. It’s a tie. #PAParazziMoves”

Umalma ang teen netizen at itinanggi ang paratang ni Ellen na siyang “paparazzi.”

Ang kinukunan daw niya ay ang interior ng restaurant at ang in-order nilang ramen.

Hindi rin daw niya kilala si Ellen at kung ano ang nangyayari sa buhay nito.

Nag-demand ng public apology ang mga magulang ng teen netizen, pero nanatiling matigas si Ellen.

Bunsod nito, nagsampa ng mga reklamong cybercrime at child abuse ang mga magulang ng 17-year-old noong netizen laban kay Ellen.

HOW’S THE CASE?

Sa kanyang “Ask me a question” session sa Instagram Stories noong May 1, natanong si Ellen tungkol sa kaso.

Tanong ng netizen sa Cebuana actress: “Hows the case sa katong minor? (Kamusta na ang kaso doon sa minor?”)”

PHOTO: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram

Tugon ni Ellen, “Wala pa diay mo naka-move on ani. [Hindi pa pala kayo naka-move on dito.]

“Well, I think it’s public information or public record.

“So, if you’re really a tsismosa you can check it.”

RESCHEDULED PRELIMINARY HEARING

Hindi sumipot si Ellen sa unang hearing ng mga reklamong inihain laban sa kanya ng teen netizen.

June 11, 2018 naman ginanap ang rescheduled preliminary investigation.

Hindi pa rin dumalo sa hearing si Ellen, bagkus ang dumating ay ang live-in partner niya na noong si John Lloyd.

Noong mga panahong iyon, malapit nang manganak ang aktres sa anak nila ng Kapamilya actor.

Tumagal lamang ang preliminary investigation ng mahigit 30 minuto, at hiniling ng kampo ni Ellen na muli itong ma-reschedule sa June 25.

Mula noon, wala nang balita kung ano na ang nangyari sa kaso.

What do you think?

805 points
Upvote Downvote

Written by pinoyako

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

1 and 5 coronavirus infected asymptomatic – German study

Duterte assures continued processing of parole, clemency applications amid COVID-19 threat