in , ,

Charo Santos, nagpasalamat sa suporta ng mga Pilipino sa ABS-CBN

MAYNILA — Nagpasalamat ang aktres at kasalukuyang chief content officer ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio sa suporta at pagmamahal na ipinapadama ng mga Pilipino matapos na huminto sa pag-ere ang ABS-CBN nitong Martes ng gabi, Mayo 5.

Sa bisa ng cease and desist order na inilabas nitong nitong Martes, ipinag-utos ng National Telecommunications Commission ang pagpapatigil sa pag-broadcast ng ABS-CBN.

Sa Instagram nitong Miyerkoles, ibinahagi Santos-Concio ang isang clip na nagpapakita sa serbisyo ng ABS-CBN para sa mga Pilipino.

Sa caption, nagpasalamat si Santos-Concio sa lahat ng mga sumusuporta at nagmamahal sa Kapamilya network.

“Maraming, maraming salamat sa inyong pagmamahal at suporta. Hanggang sa muli,” ani Santos-Concio.

What do you think?

Written by pinoyako

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

LOOK: Man teary-eyed while watching ABS-CBN broadcast shutdown

Philippines COVID-19 tally breaches 10,000-mark