in ,

Fuming Coco Martin to ABS-CBN bashers: “Hindi namin kayo kailangan sa buhay namin”

“NGAYON WALA NA TAYONG TRABAHO PANTAY PANTAY NA TAYO PWEDE NA TAYO LUMABAN!”

Ito ang mensahe ni Coco Martin, 38, sa mga kapwa niya Kapamilya artists na pinuputakti ngayon ng pamba-bash.

Kasunod ito ng pagpapasara sa lahat ng TV at radio stations ng ABS-CBN nitong Martes, May 5.

Tigil-operasyon ngayon ang broadcasting unit ng network, sa bisa ng cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).

Ibinaba ng NTC ang order isang araw matapos mapaso nitong Lunes, May 4, ang 25-taong franchise to broadcast ng ABS-CBN.

Bigo ang Kamara na matalakay ang 11 franchise renewal bills, kaya hindi nabigyan ng panibagong prangkisa ang network.

Matapos mamaalam sa ere ang ABS-CBN, eksaktong 7:52 ng gabi nitong Martes, nagkani-kanya ng post sa social media ang Kapamilya stars.

Karamihan sa kanila ay nagpahayag ng suporta sa kanilang home network.

Ang iba ay nanghingi ng dasal, habang may mga naglabas din ng saloobin sa nangyari.

TROLLING AFTER SHUTDOWN

Pero iisang bagay ang consistent sa comments section: bina-bash ng mga pabor sa shutdown ang mga Kapamilya stars.

Iginigiit ng bashers na tama lang ang sinapit ng network, dahil marami na umano itong naging paglabag sa batas.

Natural namang dumedepensa ang mga celebrities para sa ABS-CBN.

Pero ilan sa kanila ang mistulang nasagad na ang pasensiya.

Tulad ni Coco.

Sa Instagram post ng bida ng FPJ’s Ang Probinsyano nitong Huwebes, May 7, ibinahagi niya ang isang art card na may titulong “Starve a Troll Today.”

Ang Internet trolling, ayon sa Merriam-Webster, ay “to antagonize (others) online by deliberately posting inflammatory, irrelevant, or offensive comments or other disruptive content.”

May detalye sa art card kung paanong kumikita ang mga troll tuwing nagre-react o sumasagot ang kanilang biktima.

Mababasa rin kung paano dapat na dine-delete ng biktima ang ikinomento sa troll para mapurnada ang kikitain ng huli.

Dapat daw na i-block ang troll, at alertuhin ang iba pang social media users laban sa blocked troll.

Nakasaad din sa art card na pinakamainam kung i-unfollow ang blogs ng mga troll.

Huwag na lang daw pag-aksayahan ng oras na basahin ang pamba-bash ng mga ito.

COCO LOSES HIS COOL

Kalakip ng art card na ito ang mahabang caption ni Coco.

Nasusulat ito sa capital letters.

Ramdam ang matinding galit at panggigigil ni Coco sa pagkakasulat ng mensahe niya para sa mga kapwa Kapamilya talents.

Sinabi ng aktor na malaya na siya ngayong sabihin at gawin ang gusto niya dahil wala na raw siyang kinatatakutan.

Ang sarap daw pala ng ganung pakiramdam.

Kaya raw pala nasisiyahan ang ibang tao sa pamba-bash sa mga celebrities.

Iyon ay dahil hindi naman daw pumapatol ang mga tulad niyang artista sa mga pamba-bash na natatanggap nila.

Caption ni Coco (published as is):

“NGAYON KO LANG NARAMDAMAN ANG SARAP PALA SA PAKIRAMDAM YUNG NALALABAS MO YUNG MGA NASASA LOOB MO

“YUNG WALA KANG KINATATAKUTAN AT PINANGINGILAGAN

“KAYA PALA MASAYANG MASAYA YUNG MGA BASHERS AT TROLLS SA GINAGAWA NILA E!

“KC TAYONG MGA ARTISTA WALANG MAGAWA KAPAG NILAIT NILA

“KAPAG KINUTYA NILA DI TAYO MAKAPALAG.”

GETTING EVEN WITH BASHERS

Pero ngayon daw na wala nang trabaho ang Kapamilya stars, dahil sarado na ang broadcast operations ng ABS-CBN, pupuwede na raw silang pumatol sa mga bashers.

Patuloy pa ni Coco: “NGAYON WALA NA TAYONG TRABAHO PANTAY PANTAY NA TAYO

“PWEDE NA TAYO LUMABAN

“WALA NA TAYO DAPAT KATAKUTAN!!!

Dagdag ng Ang Probinsyano star, ito na raw ang pagkakataon para makaganti ang celebrities sa mga namba-bash sa kanila.

“SILA GUSTONG GUSTO NILA BASAHIN KUNG ANO ANG MGA POST NATIN

“NGAYON ANG PAGKAKATAON PARA MAKAGANTI TAYO

“AWAYIN NATIN SILA AT WAG BASAHIN ANG MGA COMMENTS NILA

“HAYAAN NATIN SILA MAG COMMENTS PARA MAG MUKA SILANG TANGA!!!”

What do you think?

Written by pinoyako

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Raffle of newly-filed cases in ECQ areas resumes through videoconferencing

Regine Velasquez slams critics of ABS-CBN: “Bakit pinagtatawanan mo ang paghihinagpis namin?”